Litratista

Tungkol sa Litratista...

Bilang isang taong hindi nakapagaral sa kahit ano mang klase sa larangan ng mga sining, si Jeffrey Patrick Lui ay umasa sa kanyang sariling sikap at tiyaga para turuan ang kanyang sarili ng isang bagay na, nung panahong iyon, ay isang napaka-interesanteng pampalipas-oras lamang. Dala lamang ang isang lumang Canon AV-1 na ginamit pa ng kanyang ama't kuya, ginamit niya ang rolyo-rolyong film, nagkaroon ng di-mabilang na pagkakamali pero natuto rin sa mga ito. Ang Internet at ang aklatan ang naging source ng impormasyon at inspirasyon habang pinagaaralan niya ang higit na malalim na technique. Nung taong 2008, sumali siya sa isa sa mga klase ni Jo Avila, para lang masigurado na alam na niya ang mga dapat niyang malaman, at siyempre meron rin naman siyang natutunang bagong mga bagay. Pinagpapatuloy niya ang kanyang paglalakbay ng kaalaman, at sa kanyang ilang taon ng paghahanap ng kaalaman napatunayan niyang ang pageensayo ay nagdudulot ng kaperpektuhan.

Living Under Imagination offers photography services ranging from product photography, landscape, nature photography, and portraits for lifestyle, commercial, corporate, editorial, and individual clients.

i-click ito para sa aming batayang halaga ng serbisyo

Pricing Rates

Hanggat maaari, sinusubukan namin sumangayon sa batayang halaga ng industriya. Walang nadudulot na mabuti ang pagsingil ng sobra o pagsingil ng kulang. Mahirap sa mga mamimili ang pagsingil ng sobrang mataas. Subalit, ang pagsingil naman ng sobrang baba ay nakakagulang sa ibang litratista at devalues the industry, atsaka pa nagbibigay ng maling idea sa mga mamimili na ang maayos na serbisyong panlitrato ay mura. Siguradong maraming litratista jan ay mas magaling kay Tito Boy at ang kanyang digicam, at ang ilang taon ng pageensayo, pagsisikap, at ang sari-saring kagamitan ay dapat lamang tumbasan.

Ang industriyang panlitrato, sa aming paniniwala, ay hindi isang industriya kung saan ang mas mura ay mas mabuti, kundi isang industriyan na kung saan ang mamimili ay pwedeng pumili ng litratista hindi ayon sa presyo, pero sa galing, sa kalidad, at sa profesyonalismo ng litratista. Ika nga, sa industriyang panlitrato, nakukuha mo ang ibinabayad mo.

Para sa higit na kaalaman tungkol sa usage fees, i-download ang maikling presentasyong ito (PDF, ODP)

Tungkol sa Aming Kagamitan...

Dito sa LUI Studios, lahat ay tungkol sa imahinasyon dahil naniniwala kaming ang huling resulta ng isang litrato lamang ang mahalaga. At pag lubusan na naming napagisipan yun, dun palang namin papagisipan kung papaano yun isasagawa. Ang shoot ay maaaring mangailangan ng isang strobe, o maaaring sampu. Ngunit kadudadudang pinagisipan pa ng mga pintor ng Renaissance kung ano ang kanilang iguguhit base sa kung anong kulay ang mayroon nila sa kanilang lamesa. At kami rin, hindi namin iniisip ang isang proyekto ayon sa aming kagamitan. At dahil dun kaya patuloy kaming nagiinvest sa higit at mas magagandang kagamitan. Kung ano man ang wala namin, inaarkila, pinapalitan, o di kaya'y sarili naming ginagawa. Ang aming mga kasangkapan ay resulta ng pilosopiyang ito.

Higit na kaalaman tungkol sa kagamitan

'Ang mundo ay isang entablado...'

Mabuting magsagawa ng kontroladong shoot sa studio. Higit na mabuti ang makontrol ang ilaw sa labas. Ngunit ang abilidad na komportableng mag-shoot sa labas na mistulang nasa loob ng studio ay ang pinakamahusay. Sinisgurado namin na lagi kaming handa rumanchada, mula sa portabol na ilaw at magagaan na lightstand at sa mga bagaheng de-gulong na pwedeng magkasya at dalhin sa loob ng eroplano. At baliwala rin kung umaaraw, umuulan, nagninyebe, o di kaya'y nasa ilalim ng tubig dahil napaghandaan narin namin ang mga posibilidad na ito (yun nga lang, di pa namin kaya ang malalakas na agos-baha :P)